Ngayong Buwan ng Wika 2014, idineklara ang temang, “Wika ng Pagkakaisa”. Ibinandera ng mga Kapisana ng Filipino ang halaga ng wikang Filipino bilang wikang nagbubuklod sa bansa.
“Ang taong di marunong magmahal ng sariling wika ay mas malantsa pa sa malanstang isda”, katagang nanggaling mismo kay Gat Jose Rizal. Napakalaki ang ginagampanan ng wika sa atin. Paano ba ang Pilipinas kung wala tayong sariling wika? Magkakaunawaan pa ba tayo? Pilipino ang lahi ko, Wikang Filipino ang wika ko. Sa pagkakaroon nito, magkakaunawa tayo, kahit san man dako ng Pilipinas ka mapapadpad, di mo matatangal ang Wikang Filipino kasi ito ang ating pambansang wika.
Kaya tayo na’t magkaisa para sa ating mahal na wika!